ANG MALETA
Minsan ako’y nag-eempake, papunta sa probinsya.
Ako’y masayang-masaya pagkat bakasyon na,
mga gamit na dadalhi’y madaling inihanda,
maleta’y punong-puno, ako’y nahirapang isara.
Ang aking ama’y biglang lumapit at kanyang winika:
iyong maleta’y punong-puno na, ‘wag nang saksakan pa.
Kung maleta’y mapuno, natirang gamit ‘wag nang ipasok,
sa dami ng iyong inilagay, maleta’y puputok.
Kung itutuloy pa ang balak, maleta’y sasambulat,
iyong pupulutin pa ang mga gamit na kakalat.
Limitasyon ng maleta’y huwag mong sasagarin,
Kahit na ano ang iyong gawin iya’y bubukas din.
Ako’y agad-agad humanap ng ibang maleta at
ang mga sobrang gamit kaagad ay inilipat.
Sa maleta’y nakakuha ng ‘sang mahalagang aral.
Isang hindi malilimutan kahit na ga’no katagal.
Maleta’y parang taong limitasyo’y dapat alamin,
Siya’y huwag gagalitin, pasensya niya’y nauubos din.
Kaya itong maleta hindi dapat pabukulin,
Sapagkat masamang kapalara’y di nais sapitin.
BUHAY NG DELINGKWENTE
Ikaw!! Ikaw ang nagpasimula!!
Wala ka bang mabuting magawa?
Wala ka nang ginawa kundi manggulo!!
Kami’y sawang-sawa na sa iyo!!
Akong ang kanilang pinagbibintangan
sa nangyaring walang kinalaman.
Hindi ako ‘yon sabi ko.
Ngunit kanilang binalewala ang sinbi ko.
Bakit ako agad ang pinagsusupetsohan?
Bakit ako agad ang pinagbintangan?
Bakit ako’y ayaw nilang paniwalaan?
Sariling katanunga’y hindi masagutan.
Bakit kaya ako ginganyan-ganyan?
Marahil grades ko’y puor singko
At ako’y kasapi sa ilang organisasyon.
Ngayo’y may bago sa tambak-tambak na problema ko.
Alas nuebe, sa “office” ako’y ‘pinasok sa isang kwarto
kasama ang “adviser” at mga magulang ko.
Isang “staement” ang sa aki’y ipinasulat,
nguni’t sa kanila’y hindi pa ito sapat.
Sa loob, kami’y nagkainitan,
Sa loob, kami’y nagkaasaran.
paminsan-minsa’y nagsisigawan.
Upang katotohana’y maliwanagan.
Ngayo’y tapos na ang kaso
Bintang ay napatunayang di totoo
Sa pagtatalo ako’y nagwagi
nguni’t, bakit sa aking mukha’y wala ni ngiti?
Ako’y napatigil at nag-isip-isip sandali
“Putang-inaaa !!!” “Tang-na talaga !!”
Ako ba talaga ang nagwagi?
Akin bang tatanggapin ang kanilang paumanhin?
Ano ang magiging tingin sa akin ng mga tao?
Siguradong ako‘y lalayuan nila,
Kikilalaning talagang ubod ng sama.
Aking mga kaibiga’y tiyak na lalayo.
Dahil sa mumunting nagawang kasalanan
tama ba na ako’y kanilang pag-initan?
Tama ba ang ginawa nilang pagsasamantala
Magandang reputasyon ko’y pinatungan ng masama.
Sa mga masamaang tao na tulad ny’o
sana’y pakinggan ang aking payo,
bukas ang mga tulad ko’y gaganti
sa mga taong tulad n’yong sipa’y kay panghi.
IBONG WALANG LAYA
Kapitbahay nami’y may alagang ibon,
Laging nakakulong ang ibon na iyon.
Kulunga’y kay sikip at ubod ng liit,
dito ibo’y piit ng among kay lupit.
Ibo’y sakdal lungkot at di mapakali,
laging maingay kaya amo’y narindi.
Dumampot ng bato’t ipinukol ito
sa ibong nagpipilit laya’y matamo.
Nguni’t kawawang ibo’y lalong nagwala,
Kulunga’y kinagat, kinalmot, sinira,
sya’y nagpipiglas at nagkasugat-sugat
makalaya lamang sa amo na hibat.
Ngayon ang ibon ay masayang-masaya
Ngayo’y nakuha ang kanyang dating laya.
ISANG TULA NG PAG-IBIG NG ISANG REBELDE
Aking giliw iyo sanang ipagpaumanhin
kung kita’y di na madalas dalawin
Intindihin mo sana ang nangyayari sa akin
kung bakit ako nagkaganito sana’y isip-isipin.
Sana’y tandaan kita’y laging sasambahin
pag-ibig ko sa iyo’y di kukulangin
sumpaan nati’y hanggat makakaya’y tutuparin
ngunit bago ako limutin pakinggan ang aking sasabihin.
Kaya kita’y di makapiling aking liliwanagin
ngayon sa mga demo ako’y sumasapi na rin
pangpapasista ng kaaway nais nang tapusin
tanikala ng baya’y ibig nang lagutin.
Sana ngayo’y iyong napapansin
baya’y pinahihirapa’t pinagsasamantalahan pa rin
bukol, pasa, pilay madalas kong abutin
para lamang sa lupang kumukupkop sa atin.
Anong mangyayari kung baya’y tuluyang aalipinin
wala… walang mangyayari sa kinabukasan natin
paghihirap ngayo’y dapat munang tiisin
lalo na’t baya’y nakagapos pa rin.
Aking mahal, ano ang ating sasapitin
kung ganitong sistema’y pababayaang pairalin?
Pagbagsak ba ng baya’y hihintayin?
ngayo’y dapat kumilos imperyalista’y palayasin!
O, giliw ko, ako sana’y hintayin
ang lahat ng kahirapa’y akin munang babakahin
kirot ng katawa’y akin munang titiisin
hanggang kalayaa’y tunay na mapasaatin.
Aking sinta, sana'y sa aki’y sumama na rin
tuta’t estado’y ating dudurugin
magtulong tayong baya’y palayain.
Ang pakikibaang ito’y di lamang para sa atin
Ito’y magpapalaya sa libo-libong inaalipin
bubusugin ang mga taong walang makain
mga tulad nati‘y paliligayahin.
KUMONISMO
Kumonismo, ano ba ang komunismo?
Sabi ng iba’y masama raw ito,
sa kumonismo raw ay maghihirap ang lahat ng tao
dito raw ay laganap ang pang-aapi at pagsasamantala sa mga tao.
Sa komunismo raw ay parurusahan ang lahat ng tututol sa gobyerno.
Ang pinakamasasamang uri raw ng lipunan ay nandito.
“Ewan ko lang, pero iyon ang sabi ng ating pangulo”.
Kung ito’y tutoo, Diyos ko! Tulungan mo po kaming mga Pilipino!
Nasa Pilipinas na ang mga katangiang ito!
Kaya’t kayo, huwag n’yong isisigaw ang MHDT at mga slogang –ismo
Kung ayaw ninyong matikman ang sarap ng pasismo!
Diyos ko! Hindi ako makapaniwala kumonista na ang mga Pilipino!
MGA BABAE
Mag lalaki’y tinatangi kayong sinta,
kung kayo’y di nilikha paano kami liligaya?
Sa mga artista kayo’y pang-inspira,
Sa mundong ito, wala nang hihigit ganda!
Nguni’t kakayaha’y ganyan na bang talaga?
Sa lalaki’y pampaligaya, sa artista’y pang-inspira?
Dapat sana’y inyong malama’t makita,
kayo’y may gawaing higit na mahalaga.
Kayo ba ang mga taong nais maging mga Sharon Cuneta?
lahat ng oras ay masaya, walang nararamdamang dusa?
Mga katulad ba niya’y di titigilan ang paghanga?
Kung ito’y ipagpapatuloy, bukas ay maghanda ka !
Sa iba namang sa katotohana’y namulat na,
ba’y di kayo tumulad kina Tandang Sora?
Tayo’y mangahas ding tulad niya.
Taon nilang pinaghirapa’y bigyang halaga.
Tanging silbi ny’o lang ba’y makulong sa kusina?
Tagaluto’t tagahain ng pagkain sa asawa?
Paglilinis ng bahay ay araw-araw ginagawa?
Pangunahing tungkulin ba’y sa lalaki’t tagapag-alaga?
Kayo ba ang mga taong katawa’y madalas ibenta?
Sa oras ng kagipita’y pera ay nakukuha sa pagpuputa?
At sa paaralan nama’y tinataguriang mga paka-?
Mga babae kayo ba’y walang halaga kundi sa kama?
Inyong pagmasdan sa ating baya’y makikita,
pagpapahirap ay pinapairal ng uring mapgsamantala.
Ang mga mahihirap ay palalong naghihirap,
habang ang buhay ng mga mayayama’y lalong sumasagana!
Tayo ngayo’y magkaisa, sarili’y i-organisa,
makibaka, huwag matakot, buong baya’y ating kasama!
Bigyang solusyon ang ating tanging problema,
Palayasin ang mga m(a)lademonyong kapitalista’t imperyalista!
Kung magandang usapan sila’y di makuha,
tayo ngayo’y magsihawak ng sandata!
Sa lakas ng nagkakaisang hanay at matatag na pakikibaka,
Tayo’y lumaban hanggang baya’y ating mapalaya!