PULIDO, Elena

Kilala rin sa ngalang Inday, o Dayin. Taga-PWU, naging kagawad ng komiteng lihim ng Kadena-Maynila. Tubong-Dipolog, mahusay na manunulat sa pahayagang kampus, maliit na babae, masugid na niligawan ni Macky. Loyal na rebolusyonaryo. Mag-iimmigrate na sa U.S. ang kanyang mga magulang, at dapat kasama sya, pero pinili nyang huwag iwanan ang kanyang rebolusyonaryong gawain at pinatira pa nya ang kanyang mga magulang sa UG house ng Kadena-Maynila bago tumulak ng U.S. ang mga ito. Matapang si Inday, at hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay kinokomprontasyon pa ang mga militar na kumubkob sa kanilang UG house ng Red Scoprion Group (RSG) sa Paranaque (yata).

Kadena Maynila

See also: